Posted December 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Matapos marinig ang mga hinaing ng ilang mga
operator at miyembro ng Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative
(BLTMC).
Nagpasiguro ngayon ang lokal na pamahalaan ng Malay
na magkakaroon ng extension sa E-Trike implementation sa isla.
Ayon kay Vice Mayor Wilbec Gelito, ito’y
naka-depende pa rin sa magiging rason ng isang operator kung bibigyan sya ng
extension.
Sa kabila nito, aminado naman ang bise alkalde na
mayroong ilang problema sa E-Trike implementation sa isla, kung kaya’t
isinagawa nila kanina ang nasabing pagpupulong sa BRTF.
Anya, upang makakuha ng extension kailangan lamang
ng operator na mag-draft ng isang sulat na syang ibibigay sa BLTMPC at ang
BLTMPC naman ang magsusumite nito sa LGU Malay para sa pag-aaral.
Samantala, kabilang naman sa iba pang ipinaabot
kanina ng mga operator ay ang problema sa limitadong charging stations at mga
piyesa sakaling masira ang kanilang E-Trike.
Mataas din umano ang arawan na bayaran sa
manufacturer nito, kung saan apektado rin ang kanilang kabuhayan.
No comments:
Post a Comment