Posted December 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaugnay ng pagpasok ng bagyong Ruby sa bansa na
nakatakdang mag-landfall sa Sabado sa bahagi ng eastern Visayas at Bicol
region.
Nagsagawa na rin ngayon ng isang pagpupulong ang
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Malay.
Ito’y base na rin sa ulat ng International
Metrological Agencies at PAGASA, kung saan itinuturing na critical na araw ang
December 5 kaugnay ng Bagyong Ruby na may international name na “Hagupit”.
Samantala, nabatid sa pinakahuling pagtaya ng
PAGASA na 75% na tatama sa kalupaan ang nasabing bagyo habang 25% lamang ang
tsansa na ito ay liliko.
Dahil sa dalang hangin na 140-170 kph at volume
water ng bagyo, nasa 250 mm umano ang pag ulan nito.
Inihayag din ng PAGASA ang pagkakaroon ng mga storm
surge na aabot sa taas na apat na metro, kung kayat pinag-iingat na ang mga
residente na nakatira sa mga lugar na apektado ng typhoon Hagupit.
Nilinaw naman ng PAGASA na hindi nagtataglay ng
parehong lakas ang bagyong ruby gaya ng typhoon Yolanda dahil sa mahina umano si Ruby.
No comments:
Post a Comment