Posted
December 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil sa takot na maabutan ng sama ng panahon ang
bakasyon sa Boracay ilang mga hotel sa isla ngayon ang nakatanggap ng booking
cancelations dahil sa bagyong Ruby.
Bagamat inaasahang tatama sa ilang lugar sa Western
Visayas ang naturang bagyo, isa ito sa naging dahilan kung bakit nagkansila ang
mga ito.
Nabatid na may mga hotel at resort na ngayon sa isla ang
nakakatanggap ng mga tawag mula sa mga nagpa-booking sa kanila ng
pansamantalang kanselasyon ng hotel bookings para sa araw ng Biyernes hanggang
Linggo.
Sa kabilang banda, nananatili parin ang pagdating ng mga
turista ngayong araw sa Boracay kung saan nakakaranas pa ngayon ng magandang
panahon ang isla sa kabila ng unti-unting nararanasang sama ng panahon sa
Eastern Visayas.
Kaugnay nito nakahanda naman ang Local Government Unit ng
Malay sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council
(MDRRMC) sa posibleng maranasang sama ng panahon sa probinsya ng Aklan.
Samantala, pinayuhan naman ngayon ng LGU Malay ang lahat
ng mamamayan na maging handa sa anumang oras na manalasa ang inaasahang isa sa
pinakamalakas na bagyo ngayon taon.
No comments:
Post a Comment