Posted June 7, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aminado ang Boracay Foundation Incorporated (BFI)
na maging sila ay dismayado sa problema tungkol sa mga commissioner sa isla ng
Boracay.
Ito’y kaugnay sa pagpuna ng ilang mga turista at
bakasyunista sa isla, kung saan napapansin na hindi kanais-nais minsan ang
pakikitungo ng mga commissioner at ang ibang mga lalaki naman ay hindi
nagsusuot ng damit pang-itaas.
Ayon kay BFI President Jony Salme, dapat na
sumailalim sa training o seminar ang mga commissioner dito nang sa gayon ay
maging presentable at mapaganda rin ang kanilang imahe.
Samantala, hinimok naman ng BFI ang publiko at mga
residente sa isla na sundin nalang ang mga alituntuning ipinapatupad ng lokal
na pamahalaan para na rin sa ikabubuti ng lahat.
Anya, kung may mga negatibong komento ang mga
turista hinggil sa isla, bilang stake holder ay apektado rin umano sila.
Maganda umano na sa pagbalik rin ng mga turista sa
kanilang lugar ay mga kanais-nais namang memorabilia ang kanilang madadala.
No comments:
Post a Comment