Posted June 6, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ok lang ang mga biodegradable o matutunaw na basura,
huwag lang ang mga plastic.
Ito ang sinabi ng DOT o Department of Tourism Boracay
Sub-office kaugnay sa pagdagsa ng mga basura sa dalampasigan dulot ng pagpasok
ng habagat sa isla.
Ayon kasi kay DOT Boracay Officer Tim Ticar, eye sore o
masakit sa mata ng mga turista ang mga plastic na basura, kumpara sa mga
basurang natutunaw katulad ng mga dahon.
Ok lang din umano ito, basta’t lilinisin din kaagad ng
mga beach cleaners.
Samantala, muli namang nanawagan si Ticar sa lahat lalo
na sa mga beach front establishments na makipagtulungan sa LGU Malay pagdating
sa pagpapanatili ng kalinisan ng isla.
Naniniwala din si Ticar na galing sa labas ng Boracay ang
mga basurang dala dito ng Habagat.
No comments:
Post a Comment