Posted June 2, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nabatid na nasa 23 na mga paddlers ang nakilahok sa
nasabing aktibidad, kung saan ilan sa mga nakibahagi dito ang Boracay's
Dragonboat Teams, Kayakers, SUP's at iba pang foreign competitors.
Ang International Paddle for the Planet Day ay naglalayong
tumulong at magbigay kontribusyon sa iba’t-ibang “environmental advocacy” sa
isla.
Layunin din umano nitong pag-isahin ang mga
paddlers sa buong mundo para sa isang “Global Relay” upang palawigin ang
kamalayan sa kapaligiran at mapangalagaan ang mga karagatan.
Samantala, nagkaroon din ng Beach Clean-Up ang mga nakilahok
sa nasabing aktibidad sa mga coastal areas at front beach ng Boracay.
Ang International Paddle Planet Day ginanap nitong
June 1, 2014 alas dyes ng umaga.
No comments:
Post a Comment