Posted June 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinag-aaralan na ng Sangguniang Panlalawigan (SP)
Aklan ang position letter na ipinadala ng Boracay Foundation Incorporated
(BFI).
Ito’y kaugnay sa bagong schedule ng Base Market
Values na iminungkahi ng Provincial Assessor’s Office, kung saan planong itaas
sa 200 hanggang 300 percent ang bagong bayarin sa buwis.
Bagay na tinutulan ng mga stakeholders sa bayan ng
Malay at isla ng Boracay na kabilang sa may Special Base Valuation.
Ayon sa SP Aklan, kasalukuyang pinag-aaralang
mabuti at ikokonsidera ang mga hinaing ng mga tax payers mula sa 17 na bayan sa
Aklan lalo na sa Boracay bago ipasa ang bagong ordinansa.
Samantala, nabatid sa nakaraang SP Session na
pinarerepaso na ni Aklan Gov. Florencio “Joeben” Miraflores ang bagong Base
Market Values sa probinsya.
Kaya naman, sa isinagawang 18th Regular
Session kanina sa SP Aklan ay napagkasunduang muling magpulong ang mga konseho
at Provincial Assessor’s Office para pag-usapan ito.
Ang bagong bayarin sa buwis ay sinasabing itataas
sa 200 hanggang 300 percent dahil pansamantalang isinantabi ng pamahalaang
probinsyal sa loob ng siyam na taon ang General Revision ng Base Market Values,
sanhi ng mga nagdaang kalamidad sa Aklan.
No comments:
Post a Comment