YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 02, 2014

Taiwanese National sa Boracay na nahirapang huminga habang nagda-diving, patay

Posted June 2, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Drowning secondary to medical condition.

Ito umano ang ikinasawi ng biktimang si Tsai Yun Hsing, isang 46 anyos na Taiwanese National sa Boracay matapos isugod sa ospital mag-aalas onse kaninang umaga.

Ayon kasi sa report ng Boracay PNP, nag-diving sa Station 1 Balabag ang biktima kasama ang kanyang asawa nang makaramdam umano ito ng hirap sa paghinga, bagay na nagpasaklolo ito sa kanilang dive master.

Kaagad umano itong isinugod sa ospital at sinubukang i-revive subali’t binawian ng buhay bandang alas 12:20 ng tanghali kanina.

Dinala naman sa isang puneraraya sa Baranggay Caticlan ang labi ng biktima para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment