Posted June 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa kabila ito ng pagkainis at reklamo ng publiko lalo
na sa isla dahil maalinsangang panahon pagsapit ng tanghali at hapon, kahit
nararanasan na Habagat ngayon.
Ayon kay DOT Boracay Officer In charge Tim Ticar, patuloy
umanong mag-i-enjoy sa beach ang mga bisita sa isla kahit mainit ang panahon
dahil walang ulan at hindi malamig.
Hindi rin umano magiging mahirap para sa mga bisita
ang pagbiyahe, pamamasyal, souvenir shopping, at maging ang pagba-bar hopping
sa gabi.
Samantala, magugunita
sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) na umabot sa 39 degrees Celsius ang pinakamainit na
temperaturang naitala sa Tuguegarao City, na siyang pinakamainit ngayong taon,
bago pumasok ang panahon ng Habagat.
No comments:
Post a Comment