Posted June 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inihahanda na ng Brgy. Manoc-manoc ang Tambisaan Port
para sa pagpasok ng Habagat Season ngayong buwan ng Hunyo.
Ayon kay Manoc-manoc Baranggay Captain Abram Sualog,
mayroon nalang umano silang kunting inaayos ngayon para sa mas ikokomportable
ng mga pasahero.
Nabatid na ang Tambisaan Port ay dinagdagan ng mga
pasilidad para mapabilis ang operasyon.
Bagamat may kaliitan, siniguro naman ng Brgy. Manoc-manoc
na maayos nilang mabibigyan ng serbisyo ang lahat ng mga pasahero lalo na ang
mga turista.
Maliban dito, pinagtutuunan din nila ng pansin ang
daungan ng mga bangka na kung minsan ay nagreresulta ng mabagal na operasyon.
Sa kabilang banda inaasahan din ng nasabing brgy. ang
pagpapaganda ng Tambisaan Port sakaling magkaroon ng sapat na pondo ang
gobyerno para dito.
Samantala, tiniyak naman ni Sualog na magiging safe ang
mga pasahero sa Tambisaan port pagsapit ng Habagat kung saan magtatalaga sila
ng mga bantay kabilang na ang Philippine Coastguard.
Ang Tambisaan Port ang siyang nagsisilbing pantalan
patawid ng Tabon Port sa Caticlan para sa mga pasaherong turista o residente
man ng Boracay kapag mararanasan na ang Habagat Season.
No comments:
Post a Comment