YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 09, 2014

Administrator Maquirang, pinaplanong maglagay ng Electronic Information sa Jetty Port

Posted June 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinaplano ngayon ni Jetty Port Administrator Nieven Maquirang ang paglalagay ng malaking Electronic Information sa Caticlan Jetty Port.

Ito umano ay malaking tulong sa mga turistang pumupunta sa isla ng Boracay para malaman nila ang mga Do’s and Don’ts sa isla.

Dito din umano makikita ng mga turista ang Advisory, Schedule of Activities at maging Schedule ng mga Flights.

Aniya, kinakailangan lamang itong mapag-usapan kasama sina Mayor John P. Yap at Vice Mayor Wilbec Gelito gayon din ang ilang opisyales ng probinsya.

Bagamat wala pang kasiguraduhan, nais naman nitong maghanap ng sponsor para dito nang sa gayon ay maisakatuparan ang kaniyang ninanais.

Maliban dito makikipag-ugnayan din umano siya sa mga Telecommunication companies para sa nais nitong magkaroon ng advisory na lalabas sa cell phone ng mga pupunta sa Boracay upang malaman nila kung ano ang kanilang mga babayaran.

Ang mga ito umano ay nangyayari na sa ibang bansa kung kaya’t gusto din niya itong gawin dito sa probinsya lalo na sa isla ng Boracay na sigurado din umanong papaboran ng lahat.

Samantala, tiwala naman si Maquirang na ang mga ito’y may magandang maidudulot sa turismo ng probinsya lalo na sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment