Posted June 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Umaasa umano ang Boracay Foundation Incorporated
(BFI) na mabibigyang tugon ang kanilang ipinadalang position paper sa
Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan.
Kaugnay ito sa kahilingan ng BFI na 100 porsiyento
lamang sa halip ng 200 hanggang 300 porsiyento ang itaas kanilang magiging
bayarin sa buwis.
Ayon kay BFI President Jony Salme, hindi naman sa mahigpit na pagtutol sa
iminumungkahing Schedule of Base Market Values,
kundi sadyang mahirap para sa kanila lalo na sa may mga maliliit na
negosyo ang mahigit sa 200 porsiyento.
Samantala, kasalukuyang namang pinag-aaralan ng SP
Aklan at Provincial Assessor’s Office ang mga hinaing ng mga tax payers mula sa
17 na bayan sa Aklan lalo na sa Boracay bago ipasa ang bagong ordinansa.
Ito’y kasunod na rin ng urgent request ni Aklan
Gov. Florencio “Joeben” Miraflores na repasohin na ang bagong Base Market
Values sa probinsya.
Nabatid na itataas sa 200 hanggang 300 percent ang
bagong bayarin sa buwis dahil pansamantalang isinantabi ng pamahalaang
probinsyal sa loob ng siyam na taon ang General Revision ng Base Market Values
dito.
No comments:
Post a Comment