Posted June 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Community Environment and Natural
Resources Office (CENRO) Boracay Officer In Charge Jonne Adaniel, kaugnay sa
pangamba ng ilang residente sa isla na baka hindi na bumalik ang buhangin sa
dalampasigan lalo na ngayong panahon ng Habagat.
Ayon kasi sa ilang mga residente dito partikular
ang mga naapektuhan ng sea wall demolition.
Kusa na namang bumabalik ang buhangin sa
dalampasigan kahit tangayin ito sa ilalim ng dagat ng malalakas na alon.
Subali’t mistula umanong hindi pantay ang pagbalik
ng buhangin sa dalampasigan.
Ayon kay Adaniel, na-ipresenta na ang mga bagong
design ng bamboo seawall at barrier na syang mag-proprotekta sa mga buhangin
ngayong Habagat season.
Samantala, nabatid na babasagin umano ng bagong seawall
ang alon na hahampas sa dalampasigan upang maiwasang tangayin ang puting
buhangin papunta sa dagat.
Sa kabila naman ng obserbasyon at pangamba ng mga
nasabing residente, marami din ang nagsasabing ibabalik din ng alon ang
buhanging tinangay nito mula sa dalampasigan.
No comments:
Post a Comment