Posted June 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa report ng BTAC, bandang alas syete kagabi
nang makita ng mismong may-ari ng spa na nag-uusap ang inakala niyang
magkakilala nilang spa manager at ang suspek sa reception area.
Subali’t bandang alas onse din kagabi nang tumawag
ang nasabing manager at nagsumbong na nawawala ang kanilang perang
nagkakahalaga ng 100 US Dollars.
Dahil dito, sinuri ang CCTV footage at doon nakita
ang nasabing babae na kinuha ang pera sa reception table.
Kaugnay nito, kaagad nagsumbong sa mga pulis ang
may-ari ng spa kung saan isang manhunt operation ang ikinasa, na nagresulta sa
pagkakadakip sa suspek na si Maricar
Kojima ng So. Bolabog Balabag Boracay.
Samantala, kasaluyan namang nasa kustodiya ng BTAC
ang nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment