Posted June 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Humingi ng tulong sa Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) ang Turkish national na si Engin Gokmen, 48
anyos matapos na lokohin sa Boracay.
Ayon sa salaysay ng biktima,
nagbigay ito ng Php32, 000 sa kanyang sekretarya na si Ma. Jenia Via Buenaobra
ng Burgos Rizal Montalban upang magproseso ng kanyang business permit.
Nang ibigay umano sa kanya ang
nasabing business permit ay sinabi ng sekretarya nito na nasa Php42, 402.83 ang
kanyang binayaran sa Mayor’s office.
Subalit mahigit pitong buwan ang
nakalipas, laking gulat nito nang gusto sana umanong bilhin ni Mr. Chris ang
kanyang negosyo ay saka natuklasang peke pala ang permit na ibinigay sa kanya.
Samantala, nahaharap naman ngayon
sa kasong Estafa at Falsification of Public Documents ang suspek.
Nabatid rin na ang nasabing
suspek ay kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa isang hotel sa Boracay.
No comments:
Post a Comment