Posted June 2, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Katunayan, isang matagumpay na buy-bust operation ng
pinagsanib na puwersa ng Boracay PNP Anti-Illegal Drugs Special Operation Task
Group at Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group ang
nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang lalaki sa Sitio Tulubhan, Barangay
Manoc-manoc kagabi.
Nakilala sa report ng Boracay PNP ang mga suspek na sina
Kenneth Edusma, 22 anyos ng Roxas City, at kasalukuyang residente ng nabanggit
na barangay.
Narekober mula kay Edusma ang anim na plastic sachet ng
suspected shabu, ilang marked money, at isang cell phone at sim card nito.
Samantala, naaresto naman sa lugar ng buy bust operation
ang kasama ng suspek na si Rodel Catapang, 22 anyos ng Santo Tomas, Batangas,
matapos umano itong mahulihan ng isang baril na revolver na kargado ng limang
bala.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa R.A 9165 dahil sa
pagbibenta ng ipinagbabawal na droga at illegal possession of fire arms ang
ammunitions ang mga suspek.
No comments:
Post a Comment