Posted June 2, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Idaraos ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ang
Annual General Assembly ngayong araw ng Sabado Hunyo-7 sa ABL Sports Complex.
Ito’y matapos ang kahilingan ng mga members at
consumers na gusto nilang marinig mula sa nalalapit nang magretirong si General
Manager Chito Peralta kung paano niya napa-mamalakad ang power firm nitong mga
nakalipas na taon.
Nabatid na si Peralta ay nasasangkot sa mga
kontrobersiya dahil sa umano’y mismanagement ng power cooperative kung saan
itinatanggi naman niya ito.
Inaasahan rin ng AKELCO ang libu-libong miyembro at konsumidor mula sa 17 bayan sa Aklan kabilang na ang bayan mula sa Northern Antique na sini-seniserbisyuhan din ng kooperatiba na dadalo sa nasabing General Assembly.
No comments:
Post a Comment