Posted June 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Lumabas na ang ginawang imbestigasyon ng BFP Boracay
tungkol sa nangyaring Forest Fire sa Brgy.Nabaoy, Malay, Aklan nitong araw ng
Miyerkules.
Ayon kay Fire Investigator F03 Aropang naganap umano ang
sunog ng madaling araw kung saan ayon sa ilang nakasaksi nakita pa nila ang
apoy bandang alas-7 ng umaga.
Aniya, umabot sa anim na ektarya ang nangyaring forest
fire at umabot pa ng halos tatlong oras bago maapula sa tulong na rin ng
pagbuhos ng ulan.
Lumabas din sa kanilang imbestigasyon na nagmula ang apoy
sa mga nakasinding tuyong dahon ng niyog na pinaniniwalaang ginamit ng mga
residente doon bilang sulo at itinapon lamang sa damuhan dahilan para kumalat
ang apoy sa iba pang mga tuyong dahon.
Nabatid na may kalayuan ang lugar na pinangyarihan ng
sunog mula sa proper ng nasabing Brgy. Kung kayat hindi agad ito na pansin ng
mga residente doon.
Matatandaang isang sunog din ang naganap sa Brgy. Nabaoy
nitong nakalipas na buwan ng Abril kung saan umabot din sa apat na ektarya ang
nasunog sa kabundukan.
No comments:
Post a Comment