Posted June 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Malay District Supervisor Jessie S.
Flores kung saan pinaghandaan umano nila ng mabuti ang school year 2014-2015.
Aniya, organisado ang pagbubukas ng klase kung saan
nakalagay na agad ang mga pangalan ng mga estudyante sa pintuan ng kanilang
classroom para hindi na ang mga ito mahirapang
maghanap.
Sinabi pa nito na patuloy parin ang kanilang pagtanggap
ngayon ng mga enrollees hanggang sa kalagitnaan ng Hunyo lalo na ang mga
transferees.
Maliban dito naipamahagi na rin umano ang mga textbooks
sa mga mag-aaral ngunit ang ilanm sa mga ito’y hindi nabigyan.
Tiniyak naman ng DepEd Malay na bibigyan nila ng pansin
ang lahat ng mga pangangailangan ng mga mag-aaral lalo na kung ito’y importante
sa kanilang pag-aaral.
Samantala, nais naman ni Flores na magkaroon ng Identification
Card (ID) ang lahat ng kanilang mga mag-aaral sa elementary at sekondarya para
na rin sa kapakanan ng mga estudyante.
No comments:
Post a Comment