YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 02, 2014

Mga miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary sa Boracay, lalo pang nadagdagan

Posted June 2, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Lalo pang nadagdagan ang mga miyembro ng Philippine Coastguard Auxiliary (PCGA) sa isla ng Boracay.

Ayon kay Philippine Coastguard Western Visayas Commander Commodore Athelo Ybañez.

Natutuwa ito dahil marami pa ang nahikayat ng mga taga 609 squadron coast guard auxiliary sa isla na sumali sa kanilang hanay.

Ayon pa kay Ybañez, malaki ang naitulong ng PCGA sa Boracay lalo na sa oras ng pangangailangan, sa kabila ng pagiging volunteer organization nito.

Masigasig umano kasi ang mga ito sa pagbibigay ng kanilang libreng serbisyo para sa isla, lao pa’t maraming turista ang pumupunta dito.

Samantala, sa ginanap na Induction of 609 PCGA Squadron nitong Sabado, nabatid na may 79 na ang mga bagong miyembro ng coastguard auxiliary sa isla na katuwang ng Philippine coastguard.

No comments:

Post a Comment