YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 04, 2014

Mini Dump Truck, nahulog sa bangin sa Manoc-manoc Boracay; 10 sakay nakaligtas

Posted June 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isang mini dump truck ang aksidenteng nahulog sa bangin sa Sitio Cagban kahapon ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sampu ang sakay ng nasabing dump truck galing
sa cargo area at papunta sanang Balabag Boracay upang mag-deliver ng buhangin.

Ngunit nang makarating umano sila sa matarik na bahagi ng cargoes area ay biglang nawalan ng kontrol ang driver nito na si Marvic Espinosa, 32 anyos ng Toledo Nabas Aklan.

At dahil sa may kababawan naman ang bangin ay walang nasugatan sa mga sakay nito.

Nabatid na ang mini dump truck ay pagmamay-ari ng RCJ Ursua Construction Supply na isa sa mga nagde-deliver ng buhangin sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment