Posted June 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sinagot na ni Jetty Port Administrator Nieven Maquirang
ang tungkol sa mga nakalagay na commercial billboards sa Caticlan at Cagban
Jetty Port.
Ito’y matapos na punain ni Vice Mayor Welbec Gelito na
tila dumarami na umano ang mga billboards sa nasabing pantalan, kung saan imbes
umano na 7 wonders ng Malay ang makikita dito ay puro nalang commercials
billboards.
Ayon naman kay Maquirang, unti-unti na nila itong tinatrabaho
sa ngayon kung sasan ipina-utos na nito sa kanilang advertiser na kailangang
maglaan ng 1/4 na advertising space sa mga nasabing billboards para sa
adbokasiya ng Malay at buong probinsya ng Aklan.
Dagdag pa ni Maquirang, kailangan lamang umanong mabigyan
sila ng larawan ng 7 wonders ng Malay para maibigay din nya ito sa kanilang mga
advertiser at maisama sa commercial billboards.
Nire-required na rin umano ang mga ito kaya’t
kinakailangan din nila itong sundin.
Samantala, ipinagmalaki naman nitong makikita na sa
nasabing pantalan ang ilang tarpaulin na naglalaman ng commercials at may
kasamang paalala o advocacy plug katulad ng pagbabawal ng pagkuha ng puting
buhangin, pagtapon ng basura sa dagat at paninigarilyo sa dalampasigan.
Sinabi din ni Maquirang na malaki umano ang kinikita ng
bayan ng Malay sa mga commercial billboards na ito dahil merong itinalagang
rate ang probinsya base sa revenue code.
No comments:
Post a Comment