Posted June 7, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Hindi pa rin masasabi na matatag ang suplay ng kuryente
sa isla ng Boracay at buong probinsya ng Aklan dahil sa mga nararanasang
manaka-nakang power interruption.
Kaya sa gagawing General Membership Meeting ng BFI o
Boracay Foundation Incorporated sa Sabado ay kanilang hingan ng paliwanag ang
NGCP o National Grid Corporation of the Philippines at representante mula sa
AKELCO para ilatag ang estado ng suplay ng kuryente sa probinsya ng Aklan.
Hinaing kasi ng mga stakeholders masyadong malaking abala
sa industriya ng turismo ang mga nangyayaring brown-out na minsan ay nagdudulot
pa ng pagkasira sa mga appliances.
Inaasahan din na tatalakayin ang ilang alternatibong
pagkukunan ng enerhiya kagaya ng Solar Energy System na siya namang ilalatag ng
mga taga-NGCP.
Ayon kay BFI President Jony Salme, mainam na malaman din
ang ilang alternatibong solusyon sa problema sa kuryente .
Anya maliban sa Solar Energy Sytem ng NGCP, magandang
balita din ang dulot ng pagkakaroon ng Wind Energy Project sa Nabas na
inaasahan niyang magiging sagot din kakulangan ng kuryente sa probinsya.
Samantala, tatalakayin din sa nasabing pulong ang ilang
paghahanda ng Boracay Redevelopment Task Force sa pagsapit ng Habagat Season
kung saan aasahang dadalo si Mabel Bacani at si Island Administrator Glenn
Sacapano.
No comments:
Post a Comment