Posted June 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Aprobado na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang Climate
Change Adoption and Management Plan ng Municipal Disaster Risk Reduction
Management Council.
Ito’y matapos na tinalakay kahapon sa SB Session ng Malay
ang nasabing usapin kung saan aprobado rin ito ng buong konseho.
Ayon naman kay SB Rowen Aguirre, layunin umano nito na
mapabuti ang excessive practices sa pamamagitan ng maayos na pakikipagtulungan
sa bawat departamento at sa mga lokal na ehikutibo ng bawat baranggay.
Samantala, ang Ten Year Municipal Disaster Risk Reduction
Climate Change Adaptation and Management Plan para sa taong 2013-2023 ng
Municipality ng Malay ay ang resolusyong ipinasa ni mayor John P. Yap.
Sa ngayon ibat-ibang plano na rin ang ikinakasa ng LGU
Malay tungkol dito na inaasahan namang magiging maganda ang resulta at susundin
ng lahat ng mga mamamayan.
Nabatid na ang Adoption and Management Plan ay
kasalukuyan na ring isinasagawa ngayon sa ibat-ibang lugar sa bansa.
No comments:
Post a Comment