Posted June 5, 2014
Ni Bert Dalida
YES FM Boracay
Naghahanda na
para sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Boracay Photographers
Association Inc. (BPAI).
Ito ang kinumpirma
ng BPAI, kaugnay sa naging tugon ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) sa
kanilang apela sa LGU Malay tungkol sa mga nag-ooperate na photographer sa isla
na walang kaukulang permit.
Pinayuhan kasi
kahapon ng BRTF ang nasabing asosasyon na makipag-usap at pumasok sa isang MOA sa
grupo ng mga Korean-Chinese-Taiwan Tour Agency at Tour Guide.
Ayon kay BRTF
Secretary Mabel Bacani, maaaring hindi alam ng mga inirereklamo nilang
photographers na may organisadong asosasyon sa isla katulad ng BPAI.
Samantala,
naniniwala si Bacani na kinakailangang tulungan din sa pamamagitan ng promosyon
ng Department of Tourism (DOT) ang Photographers Association Inc. sa isla.
Nakatakda namang
gawin ang MOA sa susunod na araw ng Martes, kasama ang mga law enforcers, BRTF,
Boracay Foundation Incorporated at iba pang ahensya o asosasyon sa isla.
No comments:
Post a Comment