Posted June 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bagamat wala pang deklarasyon mula sa PAGASA tungkol sa
insaktong pagtama ng Habagat, sinabi naman ng Philippine Coastguard Caticlan na
paunti-unti na itong mararamdaman.
Ayon sa Coastguard Caticlan, paiba-iba na ngayon ang ihip
ng hangin dala ng nagbabadyang Habagat Season kung saan kanila na umano itong
pinaghahandaan.
Maliban dito naka-alerto na rin ang mga operator ng
Bangka na may biyaheng Caticlan at Cagban Jetty Port.
Nabatid na biglang
naramdaman ang malakas na hangin sa beach front ng Boracay kahapon dala na rin
ng paglakas ng alon ng tubig at pagdagsa ng mga inanod na basura sa dalampasigan.
Sa kabilang banda tinataya naman ng Philippine
Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang
pagpasok ng Habagat Season ngayong ikalawang linggo ng buwan ng Hunyo.
Samantala, inaasahang anumang oras ay ililipat na ang
biyahe ng mga bangka sa Tambisaan at Tabon Port sakaling pumasok na ang
southwest monsoon para sa kapakanan ng mga pasaherong pumapasok at lumalabas sa
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment