Posted May 31, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinadismaya ng Sangguniang Bayan ng Malay ang pagdami ng
ibat-ibang commercial billboards sa Caticlan at Cagban Jetty Port.
Sa SB Session ng Malay nitong Martes, nagbigay ng
kaniyang reaksyon si Vice Mayor Wilbec Gelito sa tila umanong pagsulputan ng
mga billboards sa nasabing pantalan.
Aniya, imbes na 7 wonder ng Malay ang ilagay dito ay mga
commercials billboards ang karamihan sa makikita katulad umano ng mga
telecommunications companies.
Nabatid na makikipag-ugnayan din si Gelito sa provincial government
ng Aklan para ipaabot ang kaniyang hinaing tungkol dito.
Sa ngayon hindi pa umano makakapagbigay ng reaksyon ang Jetty
Port Administration sa sinabi ni Gelito ngunit mayroon na rin umano silang
naunang report na katulad nito galing sa Boracay Foundation Inc.,.
Samantala, umaasa naman ang buong konseho ng Malay na
mauuwi sa magandang pag-uusap ang kanilang ipapaabot sa provincial government
ng Aklan.
No comments:
Post a Comment