Posted May 2, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay
Nakuha na mula sa bangin ang nahulog na sasakyan
kahapon sa Libertad Nabas, Aklan.
Ayon kay Nabas PNP spokesman SPO4 Crispin Calzado, isang crane ng EEI Corporation ang kumuha sa Mitsubishi Fuso na minamaneho ni Peter Paul Palma 46 anyos ng Lapaz, Iloilo, drayber na nasawi sa nangyaring insidente kahapon ng umaga.

Ayon pa kay SPO4 Calzado, hindi na mapakinabangan
ang sasakyan dahil sa pinsala nito matapos mahulog.
Samantala, maaalalang patay on the spot si Palma at
si Arnel Epilepcia 25 anyos ng Buenavista, Guimaras, habang sugatan din ang
dalawa pa nilang kasama na sina Rey-an Terible, at Elmar Prudente na pawang residente
rin ng Lapaz, Iloilo dahil sa nasabing insidente.
Nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Palma
matapos magkaproblema ang preno ng kanilang sasakyan, kung kaya’t bumangga ito
sa poste ng Globe Telecom doon, bumaligtad at nahulog sa tinatayang 10-15
talampakang bangin.
Nabatid na galing sa bayan ng Kalibo ang mga
biktima na may kargang mga assorted grocery papuntang Caticlan.
No comments:
Post a Comment