Posted April 29, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Binuo na ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center ang
kanilang MAC o Municipal Advisory Council kahapon.
Katunayan, nanumpa na rin pagkatapos ng isang pagpupulong
ang mga miyembro nito na sina Malay Municipal Local Government Operations
Officer Chief Mark Delos Reyes bilang Chairman at Hon SB Member Jupiter Aelred
Gallenero bilang Vice Chairman.
Nagpahayag din ng suporta bilang miyembro ng council sina
Municipal Tourism Operations Officer Chief Felix Delos Santos; Philippine Red
Cross-Boracay Administrator Marlo Schönenberger; Boracay Foundation
Incorporated President Dionesio Salme; Yes FM at Easy Rock Boracay Station
Manager Alan Palma Sr., Yes FM Boracay News Director Malbert Dalida; Hugh Raddi
Isagan ng BFRAV o Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteers at BAG o Boracay
Action Group;Island Administrator Mr Glenn Sacapano; Boracay Redevelopment Task
Force Chief Mabel Bacani; atPastor Angelo Panganiban ng Boracay Grace Baptist
Church.
Magugunitang pinaghandaang ng BTAC ang pagbuo ng advisory
council upang makalikom ng suporta mula sa miyembro ng Local Government Unit
(LGU), Stakeholder, legal counsel, Non-Government Organization (NGO) at pribadong
ahensya.
Inaasahang magiging katuwang ng PNP partikular ng BTAC
ang binuong konseho sa Integrated Transformation Program ng Philippine National
Police sa pamamagitan ng Performance Governance System o PATROL Plan 2030.
No comments:
Post a Comment