Posted April 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit by.www.hongkongtravel.org.usa |
Inaasahan ng Department of Tourism (DOT) ang muling
pagdagsa ng Hong Kong Tourist sa bansa at sa isla ng Boracay.
Ito’y kaugnay ng pagbawi ng Hong Kong government sa
inisyu nilang ‘black travel alert’ laban sa Pilipinas.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, isa umano itong positive development para sa tourism
industry kung saan hindi lamang umano sa Boracay kundi maging sa buong bansa.
Aniya ang pagbawi ng travel ban mula sa Hong Kong ay
malaking tulong para sa pagtaas ng tourism industry.
Photo credit by: disneyusa.blogspot.com |
Nabatid na ang dating ‘black travel alert’ ay ibinaba sa
‘amber’ kasunod ng pagkaka-ayos ng gusot sa pagitan ng bansa at HK kaugnay sa
Quirino Grandstand hostage incident noong 2010.
Sa ngayon maaari na muling makapagbenta ang Pilipinas ng
mga package tour sa mga travel agencies ng Hong Kong para sa kanilang mga
residente na gustong magtungo sa bansa.
Napag-alaman na isa ang Hong Kong sa may pinakamaraming
dayuhang turistang pumupunta sa bansa bago ang nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment