Posted May 1, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasungkit ng Caticlan Elementary School at Malay National
High School ang pagiging Champion sa kauna-unahang Drum, Lyre bugle Contest
kahapon.
Apat na mga paaralan mula sa elementarya ang
naglaban-laban at tatlo naman sa High School ang sumali sa nasabing patimpalak.
Sa elementary level nauwi ang consolation price ng Malay
ES at Argao ES, habang second place ang Balabag ES at 1st place ang
Yapak ES at ang nag Champion na Caticlan Elementary School.
Habang sa secondary Level nakuha ng Boracay NHS ang 2nd
place, 1st place ang Lamberto NHS at ang Champion ngayong taon na
Malay National High School.
Sa kabilang banda present din sa naturang okasyon ang LGU
Malay sa pangunguna ni Vice Mayor Wilbec Gelito at ng mga SB officials, habang panauhing
pandagangal naman dito ay si Dr. Jesse M. Gomez, Schools Division
Superintendent ng Department of Education (DepEd) Aklan.
Napuno rin ng panauhin ang Malay Public Plaza para suportahan
ang kanilang mga represintante sa kauna-unahang Drum, Lyre bugle contest.
Samantala, ngayong araw na rin gaganapin ang inaabangang
Malay 11th Fiesta De Obreros kung saan kalakok rito ang 17 mga Brgy.
ng nasabing bayan.
No comments:
Post a Comment