Posted April 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Iniimbestigahan parin ng mga taga Boracay PNP
Station ang isang kaso ng pagnanakaw sa Station 1 Balabag nitong Lunes.
Kaugnay ito sa isang turistang nagreklamo matapos
na umano’y tangayin ng hindi nakilalang kawatan ang kanilang pera at mga Iphone
5.
Nabatid na dumulog sa Boracay PNP nitong Lunes si
Ignacio Espinoza, 23 anyos ng Chile at ang kanyang kaibigang babae na si
Ingerborg Marie Bern Egeland, 24 anyos, na isang Norwegian national upang i-report
ang nangyari.
Ayon sa report, iniwan umano nila ang kanilang mga
gamit at perang nagkakahalaga ng mahigit 7 thousand pesos sa beach bed ng isang
resort sa Station 1 Balabag at naligo sa dagat.
Subalit, makalipas ang ilang minuto ay may isang
hindi kilalang lalaki di umano ang lumapit sa nasabing beach bed at kinuha ang
kanilang gamit gayundin din ang pera.
Sinubukan di umano ng mga biktima na pigilan ang
lalaki subalit pinagbantaan di umano ang mga ito na sasaktan kaya’t hinayaan
nalang nila.
Matapos ang pangyayari, tinawagan umano nila ang
kanilang mga cellphone para sa posibleng pagkakatukoy ng suspek subalit
naka-off na ang mga ito.
No comments:
Post a Comment