Posted May 3, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Muling ipinaliwanag ng Aklan Electric Cooperative
(AKELCO) ang manaka-nakang power interruption na nararanasan sa isla ng
Boracay.
Ayon kay AKELCO Boracay Area Engr. Wayne Bucala,
mayroon silang on-going at naka-program na paglilipat ng mga poste at pag-aayos
ng mga linya ng kuryente sa isla, kung saan isa-isa nila itong ginagawa sa
ngayon.
Kaugnay nito, hinimok rin ng AKELCO amg mga member
consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.
Ito’y kasunod din ng kanilang apela sa mga malls,
bangko, at iba pang malalaking establisemyento na limitahan ang paggamit ng
aircon, refrigerator at iba pang appliances na kumukunsumo ng kuryente upang
maiwasan ang pag-trip off ng Global Business Power Corporation (GBPC) Power
Plant.
Ipinatupad kasi ng nasabing kooperatiba ang manual
load dropping sa isinusuplay na kuryente mula sa Nabas (Aklan) ng GBPC.
Ayon sa AKELCO, limitado lang ang isinusuplay na
kuryente ng GBPC simula pa nang maibalik ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi
ng Boracay.
Nilinaw din dito, na hindi sila ang nag-iiskedyul
ng power shut down kungdi ang GBPC.
Kaugnay nito, humihingi rin ng paumanhin sa publiko
ang AKELCO at sinisikap na magawan ng paraan ang manaka-nakang power
interruption sa isla.
No comments:
Post a Comment