Posted April 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inireklamo sa Boracay PNP ang isang security guard na
aktong nahuling umiinom ng alak habang nasa kaniyang duty.
Sa report ng Boracay PNP Station, isang concern citizen
ang humihingi ng police assistance sa kanila tungkol sa nangyayaring
pang-iisturbo at pang-iinsulto sa isa nilang staff ng Zipline sport activity sa
Sitio.Lapuz-Lapuz Brgy. Balabag.
Kinilala naman ang biktimang si Ever Cris Arao-Arao,
25-anyos, driver ng Zipline sports Activity
sa Boracay at residente ng Handuam, Mandaue, Cebu City, habang ang security
guard ay kinilalang si Jomar Solano, 32-anyos, tubong Ibajay, Aklan at Security
guard din sa nasabing Zipline.
Base sa imbisitigasyon ng kapulisan, nangyari umano ang
insidente bandang alas-dos ng madaling araw kanina kung saan itong biktima ay
nagtungo sa nasabing Zipline at akto nitong naabutan ang security guard na
umiinom ng alak na mag-isa habang naka duty.
Nabatid na gumawa ng iskandalo at kwento ang sekyu na
meron umanong nangyaring komusyon sa loob ng Zipline kung saan ipinakita pa
nito sa biktima ang kaniyang kamay na may dugo sabay sampal sa kaliwang mukha
ni Arao-Arao.
Pagkatapos nito niyaya pa ng nasabing sekyu ang biktima
na makipag-kamay sa kaniya ngunit ng akma namang iaabot ni Arao-Arao ang
kaniyang kamay dito sa suspek ay pinisil pa niya ito ng mahigpit at binalibag
siya sa sahig.
Nagawa naman ng biktima na ipagtanggol ang kaniyang
sarili sa supek sa pamamagitan ng pag suntok dito sa kaniyang katawan ngunit
agad naman silang inawat ng ilan sa mga nakasaksi sa nasabing kaguluhan.
Samantala ang nasabing kaso ay mas minabuti na lamang na
ini-referred sa Brgy. Justice System.
No comments:
Post a Comment