Posted May 1, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
May mga halatang pagod, nababagot at naiinis habang
binabantayan ang mga bagahe.
Nanatiling kampante ang iba sa kanilang pila,
habang pinili naman ng iba na lumabas sa port at maghanap sa mainroad ng
masasakyan.
Ito ang iba’t-ibang eksena at reaksyon kanina mula
sa mahigit dalawang daang turista na dumating sa Cagban Port bandang alas 2: 00
nitong hapon.
Na-stranded kasi ang mga ito sa kakahintay ng
masasakyan.
Ikinagulat din maging ng mga taga Cagban Police
Station ang dami ng mga pasaherong nakatambay doon na pawang mga turista.
Ayon sa ilang mga drayber, porter, at maging sa mga
taga Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC).
Kulang ang mga traysikel na nakapila doon sa
pantalan dahilan upang humaba ang pila ng mga pasahero na umabot ng halos isang
oras.
Samantala, kaagad namang nagpadala ng mga multicab
ang BLTMPC upang maisakay
ang mga nasabing pasahero.
No comments:
Post a Comment