Posted April 28, 2014 as of 10:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ngayong araw na ang launching ng Municipal Advisory
Council ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center.
Katunayan, isang oath taking ceremony para sa mga
magiging miyembro ng council ang gaganapin ngayong alas 9 ng umaga sa Malay
Action Center Balabag pagkatapos ng isang open forum at election of officers.
Nabatid na layunin ng MAC na makalikom ng suporta mula sa
miyembro ng Local Government Unit (LGU), Stakeholder, legal counsel,
Non-Government Organization (NGO) at pribadong ahensya upang maging katuwang ng
PNP sa Integrated Transformation Program ng Philippine National Police sa
pamamagitan ng Performance Governance System o PATROL Plan 2030.
Inaasahang dadaluhan ng ilang indibidwal mula sa
iba’t-ibang asosasyon ang launching ng MAC na pangungunahan mismo ni Boracay
PNP Chief PSInspector Mark Evan Salvo.
No comments:
Post a Comment