Posted May 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinatuwa ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang
improvement ng Kalibo International Airport (KIA).
Ayon kay Miraflores siniguro umano ng national government, sa pamamagitan ng Department
of Transportation and Communications (DOTC), ang full development ng KIA.
Aniya, nangako umano si DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na
bibilisan nila ang improvement ng KIA para maging premier gateway ng bansa.
Nabatid na nais ring baguhin at i-upgrade ang mga pasilidad
sa nasabing paliparan dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga turista at ang
demand ng air traffic cargo.
Pinapayagan din umano nila ang Kalibo Airport na
mag-accommodate ng maraming direct at chartered regional flights para
makipag-kumpitisyon sa ibang airports sa Southwest Asia.
Sa ngayong patuloy parin ang ginagawang pagpapalawak ng
runway ng nasabing paliparan para mapaghandaan ang mga susunod na International
flights.
Napag-alaman rin na ang Kalibo
International Airports ay nagki-cater ng pinakamaraming number ng International
flights sa Western Visayas dahil sa ang Aklan ay isang primetime destination sa
pamamamgitan ng isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment