Posted April 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa report ng Boracay PNP, unang naitala ang
pagnanakaw sa dalawang pinoy na sina Aron John Baron, 30 anyos at Rizaldy
Caronongan, 37 anyos parehong taga Pampanga at nagbabakasyon sa Boracay.
Ayon sa dalawa, matapos itong mag-inuman sa Balabag
Boracay ay napahiga at nakatulog sa front beach ng Station 1 Boracay at
nagising na lamang na nawawala na ang kanilang mga gamit at pera.
Samantala, sinundan naman ito kaninang madaling
araw ng nakawan rin ang isang babaeng Korean national na si Mira Song, 35 anyos
ng South Korea.
Ayon sa report, natutulog ang biktima sa beach bed
ng isang resort sa front beach ng Balabag Boracay nang ninakaw ang kanyang
cellphone at ilang mga gadget.
Lumalabas naman sa pagsusuri ng CCTV camera ng
resort na dalawang lalaki ang nagtago sa towel ang lumapit sa biktima at
nagnakaw ng kanyang mga gamit.
Patuloy naman na iniimbestigahan ang nasabing kaso
hinggil sa pakakakilanlan ng mga suspek.
No comments:
Post a Comment