Posted May 1, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kinilala ng Nabas PNP station ang mga nasawi na sina
Peter Paul Palma, 46 anyos ng Lapaz, Iloilo City, Arnel Epilepcia 25 anyos ng Buenavista,
Guimaras at ang nasugatang sina Rey-an Terible 29 anyos, at Elmar Prudente 20 anyos
ng Lapaz, Iloilo City.
Ayon kay Nabas PNP spokesman SPO4 Crispin Calzado, nagkaproblema umano sa preno ang minamanehong
sasakyan ni Peter Palma, kung kaya’t nawalan ito ng kontrol sa kanyang
pagmamaneho.
Umeslayd din umano ang sasakyan at bumangga sa poste
ng Globe Telecom doon, bumaligtad at nahulog sa bangin.
Samantala, kaagad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan
sina Rey-an Terible, at Elmar Prudente.
Nabatid na galing sa bayan ng Kalibo papuntang
Caticlan ang mga biktima nang mangyari ang insidente.
No comments:
Post a Comment