YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 30, 2014

Eroplano ng Philippine Airline, naaberya sa runway ng KIA

Posted April 30, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Naaberya sa runway ng Kalibo International Airport (KIA) ang eroplano ng Philippine Airline kahapon ng umaga.

Subali’t ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Kalibo Manager Cynthia Aspera.

Kaagad namang bumalik sa normal ang operasyon ng airport alas 10: 19 ng umaga matapos tumigil sa dulo ng runway ang nasabing eroplano.

Iikot na umano kasi sana ito doon, subali’t nag-stock up ang steering wheel nito sa front gear kung kaya’t naaberya ito.

Samantala, nabatid na galing Manila ang eroplano nang maaberya sa runway ng Kalibo Airport mag-aalas 10 ng umaga.

No comments:

Post a Comment