Posted May 2, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Muling ipinabatid ng Philippine Coast Guard (PCG)
na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-ihi sa dagat.
Ayon kay Coastguard Boracay Sub-station Commander
Chief Petty Officer Arnel Sulla, ito’y bahagi parin ng ipinapatupad ng
pamahalaan na “environmental protection program” na iwasan ang polusyon sa
isang lugar.
Subalit, paglilinaw din ni Sulla na ang pag-ihi sa
dagat ng mga boatmen ay ma-iikonsedera ring depende sa sitwasyon.
Ibig sabihin, kung masakit na umano ang tyan sa
kakapigil ay maaari naman silang umihi subalit huwag namang magpakita sa taong
nandodoon sa lugar.
Nabatid kasi sa ilang mga pasahero, na nakakahiya
at nakikita ng ilang mga bakasyunista at dayuhang turista ang ilan sa mga
boatmen na umiihi sa dagat.
Samantala, saad pa ni Sulla na kasama ang lokal na
pamahalaan ay kailangan rin na pag-usapan ang ganitong isyu at kung ano ang mga
posibleng solusyon rito.
Katulad na lang umano kasi ng mga motor banca na
ginagamit sa transportasyon sa Boracay at Caticlan na walang Comfort Room (CR)
ay hindi maiiwasan na mapa-ihi ang ilan sa mga boatmen o pasahero man lalo na
kapag nagbabyahe na sa dagat.
No comments:
Post a Comment