Posted May 2, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Huli ang isa sa mga suspek sa umano’y paggamit ng
mga pekeng pera kung saan tatlong mga souvenir shops sa Boracay ang nabiktima.
Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang isa
sa mga suspek na si Nassief Rominnimbang, 26 anyos ng Taguig City.
Ayon sa imbestigasyon, unang nagpa-record sa
kapulisan kahapon ng mga alas tres ng hapon ang isa sa mga biktima matapos na bumili
sa kanya ang isang lalaki ng T-shirt gamit ang isang libong piso.
Subalit huli na nang malaman ng souvenir vendor na
peke pala ang pera nito.
Sa kabilang banda, sunod namang nag-report sa
Boracay PNP bandang alas kwatro ng hapon ang isa pang souvenir vendor na
binilhan din umano ng sarong at nagbayad ang hindi kilalang lalaki ng
pekeng isang libong piso.
Sa huli, na-tyempuhan ang lalaking si Nassief
nang bumili ito ng necklace gamit rin ang pekeng isang libong piso na agad namang naaresto.
Samantala, nabatid na may mga kasamahan pa ang
suspek na patuloy paring tinutugis sa ngayon ng kapulisan.
Kasaluyan namang nasa kustodiya ng Boracay
PNP Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Article 168 ng
Revised Penal Code o Illegal Possession and Use of False Treasury of bank
Notes.
No comments:
Post a Comment