Posted April 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ikinatuwa ngayon ng Boracay Foundation Inc. (BFI) ang
mga pogramang nakapaloob sa Patrol Plan 2030 ng Boracay PNP Station.
Katunayan, sinabi ni BFI President Jony Salme na maganda
ang nasabing programa para mas na mapaigting ang Peace and Order sa isla lalo
na’t tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga bakasyunista dito.
Samantala, dagdag pa ni Salme na buo rin umano ang
kanilang suporta sa programa kasama ang ilan pang mga Non-Government
Oraganizations (NGOs) para sa ikagaganda ng Boracay.
Ang PATROL Plan 2030 ay isinakatuparan bilang
bahagi ng Integrated Transformation Program ng Philippine National Police.
Ito’y upang mas mapalakas ang kapasidad ng pulisya
sa buong bansa sa pagsisiguro ng seguridad ng bawat mamamayan.
Kaugnay nito, ginawa ring aktibo ang Police
Strategy Management Unit ng Boracay PNP upang mamonitor ang mga aktibidad at
programa ng PATROL Plan 2030.
No comments:
Post a Comment