YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 28, 2014

Kauna-unahanang Mr. and Ms. Teachers Fashionista 2014 ng Malay, naging matagumpay

Posted April 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Deped MALAY
Naging matagumpay ang ginanap na kauna-unahang Mr. and Miss. Teachers Fashionista 2014 kagabi sa bayan ng Malay.

Ito’y bilang bahagi parin ng nalalapit na Municipal and Parochial Fiesta ngayong Mayo a-uno 2014, kasabay ng pagbibigay pugay sa kanilang patron na si St. Joseph the Worker.

Ang naturang event ay tinawag na “Filipiniana Night” kung saan tampok ang lahat ng mga guro sa nasabing bayan na suot ang kanilang makukulay at eleganteng Filipiniana gown habang ang mga lalaki ay suot din ang kanilang naggagandahang barong.

Naging kamangha-mangha ang mga guro na kasali sa Mr. and Ms. Teachers Fashionista, dahil sa kanilang ipinakitang kakaibang galing at talento sa pagrampa.

Sa kabila nito, tinanghal na Mr.Teacher Fashionista 2014 si Mark Anthony Aparecio ng Caticlan ES. at Miss Teacher Fashionista si Abegail M. Calizo ng Yapak. Elementary School.

Nanalo rin bilang 2nd runner-up sina Mak Nickel D. Nabor ng Balabag Elementary School.  at Luzel B. Morales ng Manocmanoc ES., habang ang 1st runner-up ay sina Regie Tranca ng Yapak ES., at Rechie P. Sejane ng Malay Elementary School.

Naging panauhing pandangal naman dito ang bagong DepEd Aklan at OIC Asst. School Division Superintendent na si Dr. Ernesto F. Cervilion Jr. MNSA.

Buong pasasalamat ring nagpaabot si Malay Public District Supervisor Jessie S. Flores sa lahat ng mga tumulong sa kanilang successful event at ang pagbati nito sa mga nanalo at lumahok sa ginanap na kauna-unahang Mr. and Ms Teachers Fashionista 2014.

No comments:

Post a Comment