Posted May 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pansamantalang tinanggal ang color coding ng mga tricycle
unit sa isla ng Boracay dahil sa kakulangan ng masasakyan ng mga pasahero.
Ito’y matapos ang naging hiling ng Boracay Land
Transportation Multi Purpose Cooperative (BLTMPC) sa LGU Malay kahapon.
Isa sa mga naging dahilan kung bakit ni-rumble ang mga
tricycke ay dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga turista sa Boracay.
Ilang mga empleyado rin sa isla ang nagpaabot ng kanilang
pagkadismaya dahil sa natatagalan silang makasakay ng tricycle papunta sa
kanilang pinapasukang trabaho.
Sa kabilang banda humingi naman ng dispensa ang LGU Malay
sa mga turista at pasaherong na-stranded sa Cagban Port kahapon dahil sa
kakulangan ng masasakyan.
Nabatid na ilang mga turista ang nadismaya tungkol sa
nangyaring ito na ikinalungkot naman ni Boracay Island Administrator Glenn
Sacapaño.
Samantala, inaasahan naman ngayong week end ang pagdagsa
ng maraming turista sa Boracay kasabay ng ng ibat-ibang event na isinasagawa sa
isla.
Sa ngayon todo alerto parin ang mga otoridad sa
ipanapatupad na seguridad sa Boracay lalo na sa batas trapiko at maging sa
pagbabantay sa may masasang loob na nanamantala sa pagdagsa ng tao sa isla.
No comments:
Post a Comment