YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, May 03, 2014

LGU Malay, humingi ng dispensa sa mga na-stranded na mga turista at pasahero sa Cagban Port kahapon

Posted May 3, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Humingi ngayon ng dispensa ang LGU Malay sa mga turista at pasaherong nastranded kahapon sa Cagban Port.

Sinabi ni BICOO o Boracay Island Administrator Glenn SacapaƱo na hindi na sana maulit ang nangyari kahapon para maenjoy ng mga turista ang kanilang pagpunta sa Boracay.

Nakakapikon nga naman umano kasi na tila gumastos para pumunta ng Boracay ang isang turista, para lang mangunsumi sa transportasyon.

Samantala, nangako din ang administrador na kanilang iimbistigahan ang nangyari kahapon sa Cagban Port na ikinadismaya ng mga turista at pasahero.

No comments:

Post a Comment