Posted April 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit by: thefoundrychicago.com |
Inaabangan na ang mga kalahok sa Malay 11th Fiesta
De Obreros sa darating na Huwebes May 1 sa nasabing bayan.
Tampok rito ang 17 mga contestant na mula sa lahat ng
mga Brgy. ng Malay para paglabanan ang P30,
000 na premyo na handog naman LGU.
Nabatid na bago ang ground presentation na magaganap sa
nasabing araw ay magkakaroon muna sila ng street dancing competition sa umaga
matapos ang isasagawang misa.
Inaasahang makulay at magarbo ang ipapakitang
presentasyon ng mga kalahok rito lalo na at ang masyadong mahigpit ang labanan.
Ayon sa LGU Malay nitong Linggo, isa umano itong
kaabang-abang na patimpalak na kagigiliwan ng maraming manunuod lalo na ng mga
turista na mula sa isla ng Boracay.
Malalaking personalidad naman ang inaasahang mga hurado
dito na ang ilan ay nagmula pa sa
probinsya ng Iloilo.
Ang 11th fiesta De Obreros ngayong taon ay mas
pinabungga at pinaghandaan ng lokal na pamahalaan ng Malay para sa mga manunuod
at sa Deboto ng kanilang Patron na si St. Joseph The Worker.
No comments:
Post a Comment