Posted April 28, 2014 as of 2:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Ibajay PNP
Station hinggil sa umano’y pagkakatukoy ng suspek sa pinatay na Asst. Manager
ng Rural Bank of Ibajay sa Aklan.
Ayon kay PO1 George Regalado, kasalukuyan paring
nagpupulong ang mga iba’t-ibang operatiba na nag-iimbestiga sa nasabing kaso.
Samantala, matatandaan sa mga naunang imbestigasyon
batay sa lumabas na resulta sa isinagawang post-mortem and autopsy examinations
ng Provincial Scene of the Crime Operatives (SOCO), na nag-negatibo ang bangkay
ng 68 anyos na biktimang si Gabriel Manican sa gunpowder.
Si Manican ay nabaril nitong Biyernes, (Abril 25) kung saan nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib nang maganap rin ang sunog sa mismong bangko.
No comments:
Post a Comment