YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 28, 2014

Bangkang pangisda, tumaob sa pagitan ng Romblon at Yapak Boracay kahapon ng tanghali

Posted April 28, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dahil sa kalakasan ng alon at hangin, isang bangkang pangisda ang tumaob kahapon ng tanghali sa pagitan ng Romblon at Yapak Boracay.

Ayon sa report ng Philippine Coast Guard- Boracay Substation, isang tawag ang kanilang natanggap mula sa isang mangingisda na si Noel Doque, 33 anyos na mayroon itong ine-reskyung dalawang mangingisda habang sila ay pumapalaot sa Roblom-Yapak Boracay area.

Sa pagresponde ng mga kasapi ng Coast Guard, lumalabas sa imbestigasyon na mag-aaladyes kahapon ng umaga nang hampasin ng malakas na alon at hangin ang nasabing banca dahilan upang ito ay tumaob sa dagat.

Nailigtas naman ang dalawang mangingisda na sina Cleo Casimero, 32 anyos at Fredmar Quiambao, 19 anyos ng Busay San Jose Romblon at kaagad inihatid sa kanilang bayan.

No comments:

Post a Comment