Posted May 3, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Muling nasungkit sa
pangalawang pagkakataon ng Brgy. Sambiray ang pagiging kampeon sa ginanap na
ground presentation sa 11th Fiesta de Obreros kahapon.
Agaw atraksyon
ang makukulay at malalaking props ng nabanggit na grupo ng Sambiray kung kaya’t
nakuha rin ng mga ito ang ilang minor awards katulad ng Best in Costume at Best
in Best in Production Design, habang ang Brgy. Cubay Sur ay nanalo bilang best
in chorography.
Nasikwat naman ng
Baranggay Caticlan ang pagiging Champion sa street dancing competition, 1nd
runner-up ang Sambiray at 2nd runner-up ang Cubay Sur.
Habang sa ginanap
na ground presentation kahapon ng hapon napunta ang 2nd runner-up sa Baranggay
Caticlan, 1nd runner-up ang Brgy. Cubay Sur at ang muling kampeon na Brgy.
Sambiray.
Mainit naman ang
labanan mula sa 17 mga kalahok dahil sa pabunggahan ng costume at props na
ginamit maging ang kanilang pagsasayaw.
Naging atraksyon
ang Fiesta de Obreros Street Dancing Competition at ground presentation kahapon
kasabay ng pagselebra ng Araw ng Manggagawa o Labor Day sa pagbigay pugay sa
patron na si St. Joseph the Worker.
Ito’y pinasinayaan
at dinaluhan ng ilang government officials sa Aklan at ng lahat ng empleyado at
opisyales sa bayan ng Malay.
Samantala, hinamon
naman ni Aklan DepEd Program Supervisor Michael Rapiz si Malay mayor John P.
Yap na isali sa susunod na Aliwan Festival ang Fiesta De Obreros.
No comments:
Post a Comment